Tuesday, August 17, 2010

Sa oras ng trabaho


Sa nakita natin sa mga gwardya hindi makakaila na medyo nakakainip ang kanilang trabaho, kasi naman ang karaniwan lang na ginagawa ay maupo, tumayo, at maglakad paminsan-minsan. Karamihan sa mga kliyente ng mga security agency ay narerekomenda nilana kailangan ang manbabantay sa mga properties nila, e yung mga gwardyang alerto tingnan dapat na laging nakatayo kagaya sa mga malls at kung saan-saan pang malalaking establishimento. kaya kailangan sa oras ng kanilang trabaho laging may resistensya para sa pagtayo lalo kung dose oras ang duty.
Isa pa sa kinakailangan sa oras ng trabaho ay ang pagsusuot ng uniporme sa tamang paraan. Kailangan neat at maayos silang tingnan para maging kaaya-aya sa paningin samga tao sa paligid nila, tanda na rin na pagiging alerto.Kasama na dyan ang paglalagay ng mga metal din sa kwelyo, pati narin ang tsapa na kailangan laging makintab parang bling-blings. Para sakin hindi komportableng magsuot ng mga accessories ng gwardya katulad nung sumbrero nila na tingining mabigat at masakit sa ulo, at idagdag pa yung kurbata na pwedeng wala naman, at ang malupit pa yung kung anu-anong nakalagay sa bewang kagaya ng baril,flashlight, medical kit, posas, teargas, at syempre ang special weapon nilang batuta. Hindi ko alam bakit lahat yan ay kailangan nakasabit sa katawan, siguro nga nagagamit sa mga biglaang pangyayari o pinabibitbit at pinasuot lahat ng yon para hinda maging sarap buhay ang pagupo-upo at pag tayo-tayo lang ng mga sekto.
Sa mga nabanggit nating mga kagamitan sa pagtatrabaho ang isa pang mahalaga sa kanilang pagdyu-duty ay ang logbook ito ang magsisilbing ebidensya kung may ginagawa ang gwardya bukod sa pagupo at pagtayo, logbook kase ang listahan nila sa mga nagaganapsa kanilang buong duty ay kailangan updated ito kada oras ay may naisusulat dahil pag naabutan ng inspektor at walang nakatala sa diary ng sekto malamang masabon okaya may katapat na notice of violation.

No comments:

Post a Comment