Wednesday, August 18, 2010

Ang schedule ng isang gwardya


24/7 ang operasyon ng mgasecurity detachments dahil araw at gabi nila kailangang magbantay sa kani-kanilang nasasakupan, kaya shifting ang schedule ng mga gwardya. Hindi pwedeng umuwi o iwanan ang pwesto hanggat wala ang karilyebo . Karaniwang 8hrs at 12hrs ang schedule ng pasok nila, depende sa bilang ng ptwestong babantayan at kung ilang tao ang pwedeng magpalitan basta ang pinakamababa na oras ng duty ay walong oras.

Ok pa kung tatlong shift sa loob ng 24hrs. isa pang umaga,panghapon at pang madaling araw tig walong oras bawat isa . Ang may kabigatan yung 12hrs na duty dalawa lang ang magpapalitan, isa pang-umaga at isa pang-gabi. Pagtumanda na sa pagiging sekyu na puro 12 oras ang nasabakan kitang-kita na kalahati ng buhay nila mula nung nagguardya eh inilaan na sa pagdu-duty.

Katulad ng karaniwang empliyado may day-off din naman ang mga sekyu kadalasang isang beses sa isang lingo nila ito nalalasap. Pero madalas ding ang pagkakansela ng rest day lalo na kung ang kapalitan ng isa ay hindi makakapasok tiyak ang nanahimik na day-off ang papasukin kasi isa sa trabaho ng kanilang mga officer ay yung maghanap ng pamalit sa mga hindi makakapasok, dapat para kang aparador na puno ng nakahanger na gwardya para pag walang magdu-duty may makukuhanan na kagad na kapalit.

Isa sa pinaka masakit sa pakiramdam yung sa mga nakaduty na walang kapalitan, yung tipong sa tagal ng paghihintay ng uwian bigla nalang malalaman na di makakapasok ang karilyebosa kung anung dahilan. Talaga nga namang walang magagawa kundi manatili nalang sa pwesto. Malas pa kung walang makukuhang pamalit sa umabsent dun papasok ang tinatawag na straight duty para ding sarili nila ang karilyebo nila lalo ang saklap pag nag-dose oras , ibig sabihin silang dilat ang mata sa duty.Pano nalang kung may kailangang asikasuhin na pang personal pag off-duty at walang kapalitan tiyak kahit lumuha ng dugo hindi sila pwedeng umuwi.

Ito ang skedyul ng sekyu, sadyang pamatay sa hirap tiyak na titihaya sa kapaguran. Pero walang choice dahil ito ang kanilang trabaho at kailangan nila itong tugunan.

No comments:

Post a Comment