Thursday, August 19, 2010

Tapat sa tungkulin na subsob sa trabaho..


Assume post, duties and responsibilities. Ang mga salitang ito ang kauna-unahang sinusulat ng mga gwardya sa kanilang mga log book na nangangahulugang simula na ng kanilang trabaho. Monitoring o pagmamasid ang pangunahing gawain ng mga sekyu. Sila ang mata ng kanilang mga kliyente para mabantayan ang mga pag aari nito. Kumbaga responsibilidad ng mga tagapagbantay kung ano man ang mangyari sa mga pwestong nasasakupan nila. Sa pagbabantay, obligado na sila ay parating nakatayo at pati sa paglalakad may order pa din silang sinusunod. Kailangan may military manner para tingining matikas at laging alerto. Kailangan ding maging observant sa kanyang kapaligiran ang ating mga jaguar para maagapan ang anumang banta sa seguridad sa kanilang area of responsibility.

Kung iisipin nga naman natin na walang mga gwardya sa pang araw-araw na lugar na ating pinupuntahan katulad ng mga paaralan at mga kanya kanyang pinagtratrabahuhan,tiyak na hindi tayo magiging kampante dahil kung sino-sinong hindi awtorisadong tao ang maaari nating makasalamuha na pedeng maging tangka sa ating kaligtasan. Kaya napakalaking responsibilidad ng ating mga security personels ang mapangalagaan tayo sa anumang tiyak na kapahamakan.

Hindi katulad ng ibang mga empleyado at manggagawa. Ang pag ganap ng isang gwardya sa kanyang tungkulin ay hindi basta-basta napipigilan. Minsan nga kahit day off nila napipilitan pa rin silang pumasok sa trabaho at magduty kapag tinawagan ng kanilang opisyal dahil may pwestong walang magbabantay. Sa ganitong trabaho hindi uso ang walang pasok pag holiday. Minsan nga kahit okasyong pampamilya at hindi sila pinayagang makapagleave ay walang magagawa kundi tumupad nalang sa tungkulin kahit pa isakripisyo ang oras para sa mga mahal sa buhay. At syempre, kabligtaran din ng ibang trabahador na pag masama ang panahon ay dapat nasa bahay lang. Ang ating mga gwardya ay obligadong suungin kahit gaano pa kalakas na bagyo dahil sa tungkuling mabantayan ang pag aari ng kanilang mga kliyente.

May pagkakataon din namang walang magagawa kundi wag na munang pumasok sa trabaho katulad na ng pagkakasakit. Pero hindi dito natatapos ang pag ganap sa tungkulin dahil hangga’t walang nakukuhang reliever ang mga security officer na hahalili para sa duty ng gwardyang umabsent ay obligadong ituloy ng kasalukuyang nakaduty na gwardya ang kanilang trabaho kahit pa sana ay pauwi na ito na kung minsan ay galing pa sa magdamagang pagbabantay. Kahit maglupasay pa kakangawa, wala rin syang magagawa kundi gampanan ang kanilang responsibilidad bilang tagapagbantay na naaayon sa isa sa kanilang security general order na “To quit post when properly relieved”.

Kaya kung madalas man nating nakikita ang ating mga jaguar na ginagawa ang kanilang special talent na pagtayo. Isipin din natin na hindi lang sila display at nagmomodel ng batuta. May napakahalaga din silang responsibilidad na ginagampanan upang mapanatili ang ating kaligtasan at seguridad ng ating lugar na ginagalawan.

Wednesday, August 18, 2010

Ang schedule ng isang gwardya


24/7 ang operasyon ng mgasecurity detachments dahil araw at gabi nila kailangang magbantay sa kani-kanilang nasasakupan, kaya shifting ang schedule ng mga gwardya. Hindi pwedeng umuwi o iwanan ang pwesto hanggat wala ang karilyebo . Karaniwang 8hrs at 12hrs ang schedule ng pasok nila, depende sa bilang ng ptwestong babantayan at kung ilang tao ang pwedeng magpalitan basta ang pinakamababa na oras ng duty ay walong oras.

Ok pa kung tatlong shift sa loob ng 24hrs. isa pang umaga,panghapon at pang madaling araw tig walong oras bawat isa . Ang may kabigatan yung 12hrs na duty dalawa lang ang magpapalitan, isa pang-umaga at isa pang-gabi. Pagtumanda na sa pagiging sekyu na puro 12 oras ang nasabakan kitang-kita na kalahati ng buhay nila mula nung nagguardya eh inilaan na sa pagdu-duty.

Katulad ng karaniwang empliyado may day-off din naman ang mga sekyu kadalasang isang beses sa isang lingo nila ito nalalasap. Pero madalas ding ang pagkakansela ng rest day lalo na kung ang kapalitan ng isa ay hindi makakapasok tiyak ang nanahimik na day-off ang papasukin kasi isa sa trabaho ng kanilang mga officer ay yung maghanap ng pamalit sa mga hindi makakapasok, dapat para kang aparador na puno ng nakahanger na gwardya para pag walang magdu-duty may makukuhanan na kagad na kapalit.

Isa sa pinaka masakit sa pakiramdam yung sa mga nakaduty na walang kapalitan, yung tipong sa tagal ng paghihintay ng uwian bigla nalang malalaman na di makakapasok ang karilyebosa kung anung dahilan. Talaga nga namang walang magagawa kundi manatili nalang sa pwesto. Malas pa kung walang makukuhang pamalit sa umabsent dun papasok ang tinatawag na straight duty para ding sarili nila ang karilyebo nila lalo ang saklap pag nag-dose oras , ibig sabihin silang dilat ang mata sa duty.Pano nalang kung may kailangang asikasuhin na pang personal pag off-duty at walang kapalitan tiyak kahit lumuha ng dugo hindi sila pwedeng umuwi.

Ito ang skedyul ng sekyu, sadyang pamatay sa hirap tiyak na titihaya sa kapaguran. Pero walang choice dahil ito ang kanilang trabaho at kailangan nila itong tugunan.

Tuesday, August 17, 2010

Sa oras ng trabaho


Sa nakita natin sa mga gwardya hindi makakaila na medyo nakakainip ang kanilang trabaho, kasi naman ang karaniwan lang na ginagawa ay maupo, tumayo, at maglakad paminsan-minsan. Karamihan sa mga kliyente ng mga security agency ay narerekomenda nilana kailangan ang manbabantay sa mga properties nila, e yung mga gwardyang alerto tingnan dapat na laging nakatayo kagaya sa mga malls at kung saan-saan pang malalaking establishimento. kaya kailangan sa oras ng kanilang trabaho laging may resistensya para sa pagtayo lalo kung dose oras ang duty.
Isa pa sa kinakailangan sa oras ng trabaho ay ang pagsusuot ng uniporme sa tamang paraan. Kailangan neat at maayos silang tingnan para maging kaaya-aya sa paningin samga tao sa paligid nila, tanda na rin na pagiging alerto.Kasama na dyan ang paglalagay ng mga metal din sa kwelyo, pati narin ang tsapa na kailangan laging makintab parang bling-blings. Para sakin hindi komportableng magsuot ng mga accessories ng gwardya katulad nung sumbrero nila na tingining mabigat at masakit sa ulo, at idagdag pa yung kurbata na pwedeng wala naman, at ang malupit pa yung kung anu-anong nakalagay sa bewang kagaya ng baril,flashlight, medical kit, posas, teargas, at syempre ang special weapon nilang batuta. Hindi ko alam bakit lahat yan ay kailangan nakasabit sa katawan, siguro nga nagagamit sa mga biglaang pangyayari o pinabibitbit at pinasuot lahat ng yon para hinda maging sarap buhay ang pagupo-upo at pag tayo-tayo lang ng mga sekto.
Sa mga nabanggit nating mga kagamitan sa pagtatrabaho ang isa pang mahalaga sa kanilang pagdyu-duty ay ang logbook ito ang magsisilbing ebidensya kung may ginagawa ang gwardya bukod sa pagupo at pagtayo, logbook kase ang listahan nila sa mga nagaganapsa kanilang buong duty ay kailangan updated ito kada oras ay may naisusulat dahil pag naabutan ng inspektor at walang nakatala sa diary ng sekto malamang masabon okaya may katapat na notice of violation.

Pakikisama sa mga taao sa paligid


Tiyak ang bawat isa satin ay ngkaron na ng encounter at transaksyon sa mga jaguar karaniwan na sila ang unang bumabati satin sa pagpasok kung saan saang lugar .Meron din namang pakakataong maiinis tayo sapaninita nila satin kahit simpleng bagay lang hindi pa tayo mapagbigyan.Katulad dito sa BSU tuwing papasok nalang ako sa gate e.. nakikita ko ang guard namay sinisitang estudyante,kungsa bagay kung sumusunod nga naman tayo sa mga patakaran hindi tayo masisita.
Iba iba din ang mga kalayan ng mga guardya sa bawat binabantayan nila pag dating sa pakikipagsalamuha sa mga tao sa paligid ok pa ung mga nakaasign sa mga eskuwelahan malls,at sa mga groceries talagang ang ibang magaaral at trabahadoray kayang kayang maunder control ng mga gwardya dahil mas makampanyarihan ang report nila tungkol sa napuna nilang mali sa mga tao.Pero hindi sa lahat ganyan ang nangyayari may pakakaiba sa mga gwardyang naka asign sa mga private company,yung ang mga empleyado ay mga regular at may kanyakanyang posisyon sa kumpanya kadalasan pag may nakikitang mali ang gwardya na ginagawa ng mga empleyadong ito at nasita sila pa angmay ganang magalit at mangatuwran ng todo todo kung di naman ay magbabanta pa na ipapatanggal ang pobreng gwardya
Hindi naman lahat ay mababa ang tingin sa mga jaguards maramirami din ang nakikipagpalitan ng respeto kaya nagkakaron din ngmagandang samahan sa pagitan ng mga gwardiya at empleyado kahit nga makahuli ng magnanakaw hindi nila pwedeng maltratuhin,kailangan maituring parin ang karapatang pangtao ng mga nahuhuli nila
kahit sino paman ang makasalamuha sa paligid pinakamainam pading pairalin ang pakikisama maliit man o mataas na tao nakakaharap.

Mr. No ID No Entry Ang Propesyon


Kadalasan ang mga jaguar(guardya) ay dinadaan-daanan lang natin. Para sa tin nandyan lang sila para umupo o tumayo at syempre para manita at punain tayo. Kung bibibigyan natin ng pansin nakakainip ang ganyang trabaho, pero hindi maikakaila na ang pagiging isang guardya ay isang propesyon.
Katulad ng pulis, guro, nurse, doctor at abugado. ang pagiging sekkyu ay nangangailangan din ng lisensya para sa kanilang tungkulin. Security license ang tawag dito at para magkaroon nito, kailangan muna nilang sumabak sa traning at schooling na required o acredited ng ng SAGSD, isang departamento sa ilalim ng PNP na nangangasiwa sa operasyon ng mga Security Agency at mga empleyado nito.
Tiyaga din ang kailangan para makakuha ng lisensya may ilan-ilan ding kailangaang kabisaduhin para sa mga lectures at exams, para ring sa mga college iba-iba din ang mga Facilitator sa bawat subjact depende kung saan expert ang nagtuturo na kadalasan may graduation din, ito na yung bigayan ng training certificate na isa sa pangunahing requirements para magkalisensya, kasunod nito ang paglalakad ng iba pang papeles tulad ng Police at NBI clearance, neuro psycho at drug test, medical at kung anu ano pa.
Di lang yan, sa tuwing ikadalawang taon kailangan magrenew ng lisensya ang mga jaguar dahil kapag nahulihan sila ng pasong lisensya sa pag-iinspeksyon ng mga kinauukulan , maari silang magmulta at kung mamalasin hello! kulungan ang drama.
Ang propesyong ito ang kadalasang kinaiinisan ng mga empleyado o mga estudyante dahil sa tuwing haharap sila sayo sa may gate o pinto at malas na naiwan mo ang ID mo at mala-late kapa "no entry" ang istorya. Pero trabaho lang at walang personalan ang kadalasang dialog ng lolo mo. Kahit na ganito marangal naman ang trabahong ito at masasabi na ito ay tlagang isang propesyon. .