Tuesday, August 17, 2010

Mr. No ID No Entry Ang Propesyon


Kadalasan ang mga jaguar(guardya) ay dinadaan-daanan lang natin. Para sa tin nandyan lang sila para umupo o tumayo at syempre para manita at punain tayo. Kung bibibigyan natin ng pansin nakakainip ang ganyang trabaho, pero hindi maikakaila na ang pagiging isang guardya ay isang propesyon.
Katulad ng pulis, guro, nurse, doctor at abugado. ang pagiging sekkyu ay nangangailangan din ng lisensya para sa kanilang tungkulin. Security license ang tawag dito at para magkaroon nito, kailangan muna nilang sumabak sa traning at schooling na required o acredited ng ng SAGSD, isang departamento sa ilalim ng PNP na nangangasiwa sa operasyon ng mga Security Agency at mga empleyado nito.
Tiyaga din ang kailangan para makakuha ng lisensya may ilan-ilan ding kailangaang kabisaduhin para sa mga lectures at exams, para ring sa mga college iba-iba din ang mga Facilitator sa bawat subjact depende kung saan expert ang nagtuturo na kadalasan may graduation din, ito na yung bigayan ng training certificate na isa sa pangunahing requirements para magkalisensya, kasunod nito ang paglalakad ng iba pang papeles tulad ng Police at NBI clearance, neuro psycho at drug test, medical at kung anu ano pa.
Di lang yan, sa tuwing ikadalawang taon kailangan magrenew ng lisensya ang mga jaguar dahil kapag nahulihan sila ng pasong lisensya sa pag-iinspeksyon ng mga kinauukulan , maari silang magmulta at kung mamalasin hello! kulungan ang drama.
Ang propesyong ito ang kadalasang kinaiinisan ng mga empleyado o mga estudyante dahil sa tuwing haharap sila sayo sa may gate o pinto at malas na naiwan mo ang ID mo at mala-late kapa "no entry" ang istorya. Pero trabaho lang at walang personalan ang kadalasang dialog ng lolo mo. Kahit na ganito marangal naman ang trabahong ito at masasabi na ito ay tlagang isang propesyon. .

No comments:

Post a Comment