Thursday, August 19, 2010

Tapat sa tungkulin na subsob sa trabaho..


Assume post, duties and responsibilities. Ang mga salitang ito ang kauna-unahang sinusulat ng mga gwardya sa kanilang mga log book na nangangahulugang simula na ng kanilang trabaho. Monitoring o pagmamasid ang pangunahing gawain ng mga sekyu. Sila ang mata ng kanilang mga kliyente para mabantayan ang mga pag aari nito. Kumbaga responsibilidad ng mga tagapagbantay kung ano man ang mangyari sa mga pwestong nasasakupan nila. Sa pagbabantay, obligado na sila ay parating nakatayo at pati sa paglalakad may order pa din silang sinusunod. Kailangan may military manner para tingining matikas at laging alerto. Kailangan ding maging observant sa kanyang kapaligiran ang ating mga jaguar para maagapan ang anumang banta sa seguridad sa kanilang area of responsibility.

Kung iisipin nga naman natin na walang mga gwardya sa pang araw-araw na lugar na ating pinupuntahan katulad ng mga paaralan at mga kanya kanyang pinagtratrabahuhan,tiyak na hindi tayo magiging kampante dahil kung sino-sinong hindi awtorisadong tao ang maaari nating makasalamuha na pedeng maging tangka sa ating kaligtasan. Kaya napakalaking responsibilidad ng ating mga security personels ang mapangalagaan tayo sa anumang tiyak na kapahamakan.

Hindi katulad ng ibang mga empleyado at manggagawa. Ang pag ganap ng isang gwardya sa kanyang tungkulin ay hindi basta-basta napipigilan. Minsan nga kahit day off nila napipilitan pa rin silang pumasok sa trabaho at magduty kapag tinawagan ng kanilang opisyal dahil may pwestong walang magbabantay. Sa ganitong trabaho hindi uso ang walang pasok pag holiday. Minsan nga kahit okasyong pampamilya at hindi sila pinayagang makapagleave ay walang magagawa kundi tumupad nalang sa tungkulin kahit pa isakripisyo ang oras para sa mga mahal sa buhay. At syempre, kabligtaran din ng ibang trabahador na pag masama ang panahon ay dapat nasa bahay lang. Ang ating mga gwardya ay obligadong suungin kahit gaano pa kalakas na bagyo dahil sa tungkuling mabantayan ang pag aari ng kanilang mga kliyente.

May pagkakataon din namang walang magagawa kundi wag na munang pumasok sa trabaho katulad na ng pagkakasakit. Pero hindi dito natatapos ang pag ganap sa tungkulin dahil hangga’t walang nakukuhang reliever ang mga security officer na hahalili para sa duty ng gwardyang umabsent ay obligadong ituloy ng kasalukuyang nakaduty na gwardya ang kanilang trabaho kahit pa sana ay pauwi na ito na kung minsan ay galing pa sa magdamagang pagbabantay. Kahit maglupasay pa kakangawa, wala rin syang magagawa kundi gampanan ang kanilang responsibilidad bilang tagapagbantay na naaayon sa isa sa kanilang security general order na “To quit post when properly relieved”.

Kaya kung madalas man nating nakikita ang ating mga jaguar na ginagawa ang kanilang special talent na pagtayo. Isipin din natin na hindi lang sila display at nagmomodel ng batuta. May napakahalaga din silang responsibilidad na ginagampanan upang mapanatili ang ating kaligtasan at seguridad ng ating lugar na ginagalawan.

No comments:

Post a Comment